top of page

"ABROAD" by Adz Ian Otlang Opella.


Marami ang nangarap,marami ang gustong makipagsapalaran.gustong mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga mahal sa buhay.gustong makatulong sa mga magulang.dahil sa hirap ng buhay,dahil sa mithiin sa buhay isang planu ang naisip gawin;ang PAG-AABROAD.


Kahit kapos sa pera igagapang ang pagkukuha ng mga requirements.tiniis ang paggising ng madaling araw para hindi maabutan ng cut off sa numero.tiniis ang mahabang pila na kahit gutom na hindi pa rn aalis sa pwesto.minsan dahil kapos sa budget titiisin na lng ang gutom.titiisin ang mahabang paglalakad kapag para makabudget sa pamasahe.pabalik balik sa agency para magfollow up.pag nagmedical na dahil malaki ang gagastusin uutang na nmn ng pera.


At heto na,sasabihin na ng agency"andito na ang visa mo".yung nasa probinsya or yung nasa ibang panig ng pinas aagahan ang pagpaalam sa pamilya.halong kaba,excitement at lungkot dahil lalayo tayo sa mga mahal natin sa buhay.sa isang tulad kong ina ang sakit,lalot sanay ka na ikaw ung nag aasikaso ng mga anak mo ika nga hands on mother ka.
Pagdating ng maynila mararanasan mo ung tinatawag na ocean deep na ulam,ibang staff ng agency ay masusungit,dadaan sa trainings hayy.
Heto na iaannounce na sau na flight mo na.di mo maiwasang kabahan.ang daming tanung na d pa masagot dahil wla ka pa sa sitwasyon.tutuksuhin mo na lng ang sarili mo"first time mo?"haha pampawala ng kaba.


Pag nandun ka na sa lugar n tatahakin mo wala kang ibang sandata kundi ang PANALANGIN.ang pinakamortal na makakalaban ay HOMESICK.pero ang pinakamasakit na sitwasyon ay yung lilisan na sa mundong ibabaw ang isa sa mga mahal mo sa buhay.hindi ka makakauwi..hindi ka man lng makapagpaalam..ni hindi mo xa masilayan sa huling sandali ng kanyang buhay.ang tangi mo lng magagawa ay ang UMIYAK.

 

ABROAD-SAKRIPISYO,PAGTITIIS,PANGUNGULILA.

 

bottom of page